NFA SINIGURONG MATAAS NA ANG DEMAND NG NFA RICE

nfa

“HIGH demand and limited stock.”

Ito ngayon ang paliwanag  ng National Food Authority at ng Alyansa ng Industriyang Bigas (ANIB).

“It happens for the reason na ang demand is high. At the same time, kaunti lang po ang allocation na ibibigay ng NFA. For the reason din sa NFA, ang bigas natin is limited,” pahayag  ni ANIB founding chairman Robert Hernandez ka­makailan.

Dating nakakukuha ang Metro Manila retailers ng 50 bawat linggo  mula sa NFA, pero ang alokasyon ay bumaba sa 25 sako na lamang.

Niliwanag ni Hernandez na “as of the moment, wala kaming nakikitang shortage. “It just so happens na ‘yung murang bigas, medyo limitado lang ang stock.”

Binigyang-diin din ni NFA OIC Deputy Administrator Tom Escarez na walang shortage ng bigas ng  NFA.

“Usually, may schedule ng pagkuha ng bigas sa NFA. Estimated ‘yon kung kailan maubos. There are times na napabibilis ‘yung ubos—kasi nga sa ganda ng NFA rice, pinipilahan,” sabi ni Escarez.

Para mahatak pa ang stock  ng bigas ng NFA ang mga dedicated NFA outlet lamang ang nakatatanggap ng alokasyon. Para maseguro na ang kanilang kahon ng bigas ay napupunuan  araw-araw, nag-order si Escarez ng deployment ng NFA personnel sa retail outlets na mag-monitor hindi lamang para sa compliance sa SRP ng bigas o suggested retail price kundi para na rin sa tamang  supply.

Inaasahan ng gobyerno ang 14,000 metric tons ng bigas katumbas ng 280,000 sako, na darating sa  National Capital Region sa Biyernes.

Napakarami niyan. And in the coming days, makikita nila, parami nang parami na ulit,” sabi ni Escarez.

“Ngayon kasi, nag-concentrate lang muna kami doon sa dedicated NFA outlets. Pero with the arrival of 280,000, pati ‘yung mix-mix, ‘yung mga nagbebenta pati ng commercial at the same time NFA outlets din, ay pagbibigyan na rin natin lahat,” sabi niya.

Ang dagdag na  500,000 metric tons ng bigas ay darating sa Dis­yembre.

Sinabi ng ANIB na napapanahon ang pagda­ting.

“It’s time na, Christmas, malakas ang demand ng bigas. Maganda po ang timing ng NFA. ‘Pag dumating ‘yan, definitely hindi tataas ang presyo ng bigas. It will be stabilized by NFA,” sabi ni Hernandez.

Comments are closed.