NUEVA ECIJA — Isang milyong sako ng palay ang target na mabili ng National Food Authority (NFA) ngayong buwan ng Oktubre sa Gitnang Luson para sa buffer stocking nito.
Ang Gitnang Luson o Region III ang kinikilala bilang “Rice Granary” na rehiyon ng bansa at kasalukuyang papunta na sa kasagsagan ng pag-ani ng palay ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Jonathan Yazon, NFA regional director sa Gitnang Luzom, nasa 400,000 na sako ng palay ang kanilang nabili na nitong katapusan ng Septyembre at inaasahan nila na aabot pa ito sa isang milyong sako sa katapusan nitong buwan ng Oktubre.
Ipinaliwanag pa nito na mayroon silang pito hanggang 10 mobile procurement team na umiikot sa rehiyon sa pamamagitan ng truck para bilhin ang mga palay ng mga magsasaka.
Aniya, ang pamimili nila ng palay sa mga magsasaka ay ine-schedule nila at walang additional fee na sinisingil.
Sa imbakan ng palay ng mga magsasaka pinupuntahan ng mobile procurement team ng NFA ang ibinibenta nilang ani, kung saan iklaklase nila ito, titimbangin at pagkatapos ay babayaran sa halagang P19 kada kilo.
Nitong mga nakalipas na ilang linggo ay bumaba ang presyo ng palay na binibili ng mga commercial rice traders na naging dahilan para sa NFA mabaling ang pagbebenta ng mga magsasaka ng kanilang ani.
Bukod sa mobile procurement truck ng NFA, sinabi pa ni Yazon na meron silang 13 mechanical driers sa rehiyon na pwede magamit ng mga magsasaka para mapatuyo ang kanilang bagong ani na sariwang palay.
Ito aniya ay may kabuuang kapasidad na makapagpatuyo ng sariwang palay na anim na tonelada.
Bukod dito meron pang tatlong mechanical driers ang kanilang ipinagagawa sa kanilang warehouse sa Nueva Ecija– dalawa sa Cabanatuan City at isa sa Science City ng Muñoz.
Sinabi pa ni Yazon na sa kasalukuyan ay maluwag pa ang mga bodega ng palay ng NFA sa Gitnang Luson.
Bukod dito merong mga bodega sa Tarlac na matatagpuan sa Sta. Ines, Camiling at San Manuel ang ipinahihiram ng Local Government Unit nito sa NFA ng libre, paliwanag pa ni Yazon.
Sinabi pa nito kung mapupuno na ng palay ang mga bodegang ito ng palay at meron pa silang mabibiling ani ng mga magsasaka ay handa naman silang umupa pa ng mga bodega para sa kanilang buffer stocking. ANDY DE GUZMAN
476947 386986I got what you intend,bookmarked , very decent web site. 710884
352094 732486baby strollers with high traction rollers ought to be a lot safer to use compared to those with plastic wheels- 380512