ACTIVATED na ang mga operation centers ng National Food Authority para sa emergency rice requests ng mga lugar na apektado ng bagyong Tisoy.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, may kabuuang 132,134 bags na rice stocks ang Bicol Region. Ito ay mula sa pinagsamang 26,381 bags na rice stocks sa Catanduanes at 2,337 bags sa Sorsogon.
Ang rice stocks na ito ay naka-prepositioned na para sa quick response sa mga relief operations. Inihahanda na rin ang rice stocks sa Baybay, Leyte at National Capital Region sa sandaling magkaroon ng emergency requests ang local government units.
Pinayuhan din ni Dansal ang publiko na i-report ang sinumang rice retailers na magsasamantala sa sitwasyon.
Comments are closed.