ANO na kaya ang masasabi ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa napakagandang opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena nitong Sabado, Nobyembre 30?
Tila ba hindi nag-iisip, panay ang salita noon ni Panelo laban sa organizers ng SEA Games—ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na ang chair ay si Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Panelo, may punto raw ang mga bumabatikos sa paghahanda para sa SEA Games at mayroon nga naman daw mali sa mga preparasyon
Sinabi pa ni Panelo na mag-iimbestiga ang Malacanang at wala aniyang lulusot kung may makitang iregularidad, kahit pa mga kaalyado ng Pangulong Duterte.
Bilang tagapagsalita ng Pangulo, mas mabuti sana kung naging mas maingat si Panelo sa pagpapalabas ng kanyang mga pahayag tungkol sa SEA Games nang hindi na siya nakadagdag pa sa pagbibigay lamat sa pagho-host ng ating bansa ng palarong ito.
Ano ba ang mga sinabi ng mga nakasaksi sa SEA Games opening ceremony, maging live sa Philippine Arena o sa TV? ‘Di ba’t puro mga papuri ang narinig natin, maliban na lang sa mga talagang sarado na ang mga isipan, at ang mga naparami ang kinaing ampalaya kaya bitter?
“Electrifying”, “Amazing”, “Spectacular”, “World-Class”, “Stunning”, “Fantastic”, “Impressive”—ilan lamang ‘yan sa mga nabasa at narinig natin na pagsasalarawan sa opening ceremony.
“Proud moment” at “Proud to be Pinoy”, “Goosebumps”, “Nakakaiyak” dahil proud sila, ang ilang mga reaksiyon ng mga nakapanood.
Ganyan din tiyak ang naging reaksiyon ni Panelo. Tunganga King na siya ngayon.
Comments are closed.