(Ngayon nasa alert level 1 na) POLICE VISIBILITY PALALAKSIN

MAS paiigtingin nga­yon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan kaugnay sa pagluluwag ng quarantine restriction sa Metro manila at 38 iba pang lugar sa basna.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar para sa inaasahang pagdami ng mga taong lalabas bunsod ng pinaluwag na health protocol.

Inihayag din ni PNP-National Capital Regio­nal Police office Director Maj General Vicente Danao na nakahanda ang kanilang puwersa sa Kalakhang Maynila sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.

Pahayag ni Danao, inaasahan na nilang mas dadami ang bilang ng mga tao na lalabas sa ilalim ng Alert Level 1.

Aniya, bukod sa pagpapatupad ng kaayusan, kikilos din ang mga pulis sa pagpapaalala sa mga tao na sumunod sa health protocol.

Magugunitang sa lungsod ng Maynila ay inihayag na mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask kahit pa ibaba ng DOH at IATF sa alert level 1 ang restriction sa Metro Manila. VERLIN RUIZ