TIWALA si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makakarekober na ngayong taon ang sektor ng turismo ng bansa na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Romulo-Puyat, malaking tulong ang pagbubukas ng pinto ng Pilipinas para sa mga turista dahil ito na lamang ang kanilang hinihintay.
Habang hudyat din, aniya, ang nangyaring pagbubukas na babalik na sa normal ang bansa.
Magmula nang ipatupad ang no-quarantine policy para sa fully vaccinated foreign travelers mula sa visa-free countries sa gitna ng COVID-19 pandemic ay dumagsa na ang mga turista sa bansa.
Kamakalawa ay may 10,676 dayuhan ang dumating sa bansa na nagmula sa US, Canada, Australia, UK, South Korea, Germany at Japan. DWIZ 882