(Ngayong 2024) P1-B SMUGGLED AGRI PRODUCTS NAKUMPISKA

NAKAKUMPISKA ang pamahalaan ng mahigit P1 billion na halaga ng smuggled agricultural products ngayong taon, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

“In fact, the aggregated amount of agricultural products that we seized this year has reached more than PHP1 billion, while the total value of all the smuggled products seized by our Intelligence Group is very high, more than PHP80 billion,” pahayag ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing,
Noong weekend ay pinangunahan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng libo-libong kilograms ng mackerel mula sa nasabat mula sa smuggled shipment mula China na nagkakahalaga ng P178.5 million sa Manila International Container Terminal (MICT).

Samantala, inaasahan ng BOC official ang mas matagumpay na susunod na taon sa pagpapatupad ng Republic Act (RA) 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Aniya, bukod sa bureau, ang iba pang mga ahensiya tulad ng Department of Agriculture (DA) ay makikinabang din sa revised law, na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa pagmamanipula sa presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng hoarding at profiteering.

Paliwanag ni Maronilla, ang price manipulation schemes na nagpapataas sa presyo ng bilihin ay hindi makabubuti sa publiko.

Sinabi ng BOC spokesperson na hinigpitan nila ang seguridad sa ports upang mapigilan ang mga ilegal na gawaing ito.

“We are tightening our security at our Ports, using a risk based system together with the DA so that legitimate importers of these products are not affected,” aniya.