INANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) ang pagbaba ng singil sa koryente ngayong buwan.
Ito na ang ika-4 na sunod na buwan na may tapyas sa power rate.
Ayon sa Meralco, ang singil sa koryente ay bababa ng 20.55 centavos per kilowatt-hour sa P8.4911/kWh ngayong buwan, ang pinakamababa magmula noong September 2017.
Katumbas ito ng P41 bawas sa total bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh.
Ang pinakabagong rate ay mas mababa rin sa P8.966/kWh noong July at sa P9.5674/kWh noong August 2019.
Ayon sa kompanya, nagkaroon ng bawas sa power rate sa pagbaba ng generation charges ng 21.03 centavos/kWh sa P4.1241/kWh sa Agosto.
Ang main drivers para sa mas mababang generation charge ngayong buwan ay ang pagbaba ng charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at sa Independent Power Producers (IPPs).
Ang singil sa WESM ay mas mababa ng P1.1200 kada kWh ngayong buwan dahil sa nag-improve na supply situation sa Luzon grid dahil sa mababang average plant capacity on outage. Wala ring naitalang Yellow Alerts noong Hulyo kumpara noong Hunyo. Ang parte ng WESM sa supply needs ng Meralco ay 15.5%.
Ang cost of power mula naman sa IPPs ay bumaba ng P0.3284 kada kWh dahil sa mababang presyo ng natural gas sanhi ng quarterly repricing. Ang presyo ng natural gas mula sa Malampaya ay naka-index sa international crude oil prices. Ang malaking pagbaba sa presyo ng crude oil noong unang yugto ng taon ay naramdaman sa presyo ng Malampaya natural gas price ngayong buwan. Nakatulong din ang pag-appreciate ng piso sa pagbaba ng singil ng mga IPP.
Samantala, ang pagbili mula sa PSAs ay umangat ng P0.2722 kada kWh dahil sa mababang average plant dispatch at mababang Force Majeure (FM) claims ngayong buwang ito kumpara sa nakalipas na buwan.
Dahil sa nabawasang power demand sa kanilang service area nitong community quarantine period, itinuloy ng Meralco ang pag-invoke ng FM provision sa PSA nito sa First Gen Hydro Power Corporation (FGHPC). Ngayong Agosto, ang FM claim ay umabot na sa halos P82 milyon, na may katumbas na customer savings na P0.0285 kada kWh sa generation charge. Sa nagdaang limang buwan, ang kabuuang halagang natipid ng dahil sa FM claims ay umabot na sa halos P1.9 bilyon.
Ang IPPs at PSAs ang bumubuo ng 33.9% at 50.6% ng kabuuang supply ng Meralco.
Comments are closed.