Ang overall rate para sa isang typical household ay bumaba ng 20.87 centavos per kilowatt-hour ngayong buwan sa P9.5458/kWh mula sa P9.7545/kWh noong Hulyo.
Katumbas ito ng P42 bawas sa mga kumokonsumo ng 200 kWh.
Noong nakaraang buwan ay inatasan ng ERC ang Meralco na isauli ang may P21.8 billion sa loob ng 12 buwan, o hanggang sa ma-refund ang buong halaga. Katumbas ito ng 86.56 centavos per kilowatt-hour para sa bill noong nakaraang buwan.
“The implementation of distribution-related refunds totaling P48.3 billion as ordered by the ERC continues to temper customers’ monthly bills. This is equivalent to a total refund rate of P1.8009 per kWh for residential customers,” pahayag ng Meralco sa isang statement.
Bumaba rin ang generation charge para sa Agosto ng 19.44 centavos sa P6.5812/kWh mula P6.7756/kWh noong nakaraang buwan kasunod ng pagbaba ng charges mula sa power supply agreements (PSAs).
Samantala, tumaas ang transmission charges para sa residential customers ng 2.35 centavos/kWh habang ang iba pang charges ay nagtala ng net decrease na P0.0018/kWh.