(Ngayong ‘ber months’) ROAD WORKS BAWAL

Road works

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Metropolitan Manila Develop­ ment Authority (MMDA) ang paglalagay ng aspalto at pagpapaganda sa mga lungsod ng Metro Manila para hindi maging mas mabigat ang daloy ng trapiko ngayong ‘ber months’.

Ang pagbabawal sa paglalagay ng aspalto at pagpapaganda sa mga lungsod ay inanunsiyo ni MMDA spokesperson, Celine Pialago nang dumalo ito sa  Tapatan forum.

Inanunsiyo rin ang pagsisimula ng weekdays ban sa mga sale ng mga mall.

Nabatid na  ibina­wal na ang weekdays sale sa mga mall mula Nobyembre 11 hanggang Enero  2019 upang maiwasan ang matin­ding trapiko dulot ng Kapaskuhan.

Paalala ni Pialago sa mga alkalde sa National Capital Region (NCR)  na sa susunod na taon na lamang nila ituloy ang asphalting and beautification na maaaring makapagpalala sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Tiniyak ni Pialago na kapag may mga emergency naman na kaila­ngan ang pagsasara ng mga lansangan gaya ng mga nasirang tubo ng tubig, mga kable ng kor­yente na dapat ayusin at ang programang may kaugnayan sa Build Build Build ay maaari itong payagan ng mga LGU. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.