(Ngayong buwan) SINGIL SA KORYENTE MAY BAWAS

MERALCO-2

MULING bababa ang singil sa koryente ngayong buwan.

Sa inilabas na abiso ng Meralco, magbabawas sila ng P0.3598 per kilowatt-hour para bumaba ang overall rate sa P8.3195/kWh ngayong Marso mula sa P8.6793 noong Pebrero.

Ito ay dahil sa mas mababang generation cost at refund order mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Katumbas ang bawas-singil ng P72 sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour at P180 sa mga komokunsumo ng 500 kilowatt per hour.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagtapyas sa singil sa koryente ang Meralco.

Ayon sa Meralco, ang rate ngayong buwan ang pinakamababang rate mula noong Agosto 2017.

“Meralco will start implementing the Distribution Rate True-Up refund this month, which is the primary reason for this month’s rate reduction,” ayon sa kompanya.

Magugunitang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukala ng Meralco na isauli ang may P13.9 billion sa loob ng 24 buwan o hanggang maisauli na ang buong halaga.

“The amount represents the difference between the Actual Weighted Average Tariff and the ERC-approved Interim Average Rate for distribution-related charges for the period July 2015 to November 2020,” ayon sa Meralco.

Para sa residential customers, ang refund rate ay P0.2761/kWh at makikita sa customer bills bilang line item na tinatawag na Dist(ribution) True-Up.”

Idinagdag pa ng Meralco na kasama rin sa rate ngayong buwan ang ERC-approved adjustments para sa pass-through over/under-recoveries para sa period na January 2017 hanggang December 2019.

One thought on “(Ngayong buwan) SINGIL SA KORYENTE MAY BAWAS”

Comments are closed.