(Ngayong eleksiyon) SEGURIDAD NG MEDIA SINIGURO

Usec-Joel-Sy-Egco

TITIYAKIN ng Presidential Task Force on Media Security na magiging ligtas ang lahat ng kasapi ng media sa nakatakdang ng national at local elections ngayong Mayo.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco , ginagawa nila ang lahat upang maprotektahan ang mga kapatid na mamahayag laban sa anumang banta o panganib na kakaharapin partikular sa gagawing coverage ngayon May 2022 polls.

Ani Egco, bukod sa ginagawang coverage ay may mga media personnel din daw kasi ang kumakandidato at ilan sa mga ito ay napatay na kung kaya’t nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang makita kung anu-ano ang posibleng mga panganib ang kakaharapin ng mga nasabing indbidwal lalo ang mga pumasok sa pulitika.

Ayon pa kay Egco, bagaman napahina ng kasalukuyang paggamit ng social media ang banta sa seguridad ng mga media personnel dahil pandemya ay kinakailangan pa rin na maglagay ng dagdag na security blanket para sa mga kasapi ng media.

Samantala, tiniyak naman ni police public information chief Brig. Gen. Rederick Augustus Alba na haharapin niya ang mga kinakailangang seguridad ng mga mamamahayag sa national level habang maaari naming magtungo sa mga regional at local public information officer ang iba pang media practitioner para sa kanilang safety concerns.

Ayon kay Alba, kung kinakailangan ay handa sila na
arestuhin ang subject ng isang reklamo o kung may magsampa man ng kaso ma may warrant of arrest man o wala basta’t may sapat silang ebidensya ukol dito.

Subalit, nilinaw ng heneral na hindi lahat ng reklamong may kaugnayan sa kanilang mga trabaho ay balido kung kaya’t binigyang diin din nito na magsasagawa muna sila ng validation bago gumawa ng mga kaukulang hakbang.

Magugunitang , una nang nagtalaga ang PNP ng mga “media security vanguards” na haharap laban sa mga banta sa kaligtasan ng mga mamamahayag dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng karahasan sa mga ito bago, habang, at tuwing pagkatapos ng panahon ng halalan.

Magugunita na noong taong 2009 nang pumutok ang balita tungkol sa malagim na sinapit ng mga biktima ng Maguindanao massacre, kung saan ay nasa 57 katao kabilang na ang 32 miyembro ng media ang nasawi rito. VERLIN RUIZ