MAHIHIRAPAN talagang tibagin si Sen. Grace Poe nang muling nanguna sa 2019 Pulso ng Pilipino Tracking survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na inilabas kamakalawa.
“The non-commissioned survey was conducted from January 04 to 08, 2019 with some 1,200 respondents eligible to vote in the 2019 senatorial and local elections. The survey has a confidence level of 98% and a margin of error of + 3.5%,” ayon sa ulat ng The CENTER.
Sa mga tinanong, pinili si Sen. Poe ng 63 porsiyento (%) para maungusan si Sen. Cynthia Villar sa natamo nitong 62% sa mga kumakandidatong senador.
Nasa ikatlong puwesto si dating senador at Rep. Pia Cayetano na may 55% at nanatili sa No. 4 spot si Sen. Nancy Binay sa ta-glay na 49%. No. 5 si Sen. Koko Pimentel sa natamong 44% samantalang nagpantay sa ikaanim at ikapitong puwesto sina dating senador Lito Lapid at Jinggoy Estrada sa 42% at 41%.
Nasa No. 8 spot si Sen. Sonny Angara (39%), No. 9 si Francis Tolentino (33%), nasa No. 10. si dating Philippine National Po-lice chief Bato Dela Rosa (29%), No. 11. Si dating senador Serge Osmeña (27%), at pang-12 si dating Special Assistant to the President Bong Go, (24%).
“Close on the tails of those in the Magic 12 are: 13. Gov. Imee Marcos (22%), 14. Former Sen. Mar Rox-as, (21%), 15. Sen. JV Ejercito (21%), 16. Former Sen. Bong Revilla (20%), 17. Sen. Bam Aquino (19%), 18. Rep. Gary Alejano (17%), 19. Former Rep. Neri Colmenares (14.3%) and No. 20. Former Sen. Juan Ponce Enrile (14%),” ayon pa sa The CENTER.