INIHAYAG ng PAGASA na posibleng dalawa hanggang tatlong bagyo ang nanunuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hulyo.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, ito ay habang nananatili sa neutral phase ang bansa at nakaamba pa rin ang La Niña Phenomenon.
Ayon pa sa naturang ahensiya may tatlong track naman na posibleng daanan ng mga bagyo ngayong Hulyo kabilang ang recurving na tropical cyclones na posibleng mag-landfall sa extreme northern islands ng bansa at posible rin ang landfall sa north-central Luzon.
Inaasahan naman ng PAGASA na maraming lugar sa bansa ang makararanas na ng pag-ulan ngayong Hulyo.
Samantala, nilinaw ng PAGASA na nananatili pa rin ang La Niña Watch at may posibilidad pang hindi ito magtuloy. EVELYN GARCIA