BAHAGYANG tataas ang singil sa koryente ngayong buwan.
Ito na ang ika-4 na sunod na buwan na may dagdag sa singil sa koryente.
Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na tataas ang household rate ng P0.2353 per kilowatt-hour (/kWh), upang umakyat ang overall rate para sa buwan sa P8.9071/kWh mula P8.6718/kWh noong Hunyo.
Katumbas ito ng P47 pagtaas sa total bill ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.
Paliwanag ng Meralco, ang power rate hike ay resulta ng mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na ang rate increase ngayong buwan ay pinahinahon ng patuloy na pagpapatupad sa Distribution Rate True-Up refund, na nagsimula noong Marso.
Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukala ng power distributor na i-refund ang P13.9 billion sa loob ng 24 buwan o hanggang maibalik ang buong halaga.
Samantala, ang generation charge para sa Hulyo ay nasa P4.8707/kWh, tumaas ng P0.2536 mula sa P4.6171/kWh noong nakaraang buwan.
“WESM charges remained high at P8.7424/kWh due to tight supply conditions in the Luzon grid, aggravated by the ongoing Malampaya natural gas supply restriction,” ayon pa sa Meralco.
Comments are closed.