PINAALALAHANAN ni Commission on Elections Spokesperson Director James Jimenez ang mga celebrity endorser na huwag gamitin ang kanilang mga platform para mangampanya ng mga kandidato.
Sa ilalim ng Election Law, sinabi ni Jimenez na ang mga kandidatong may programa ay dapat na magbakasyon o umalis muna sa kanilang programa dahil ang paggamit ng mga platform ay posibleng maging isyu at maaaring ituring na “donated advertising time”.
Samantala, nagbigay ng plataporma ang ahensiya para sa libreng live streaming ng mga online political rallies ng national candidates sa gitna ng pandemya.