HINIMOK ng commuter at transport groups na alisin na ang mga checkpoint sa Metro Manila at nearby provinces na sakop ng NCR Bubble plus.
Iginiit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na mas makabubuting hayaan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na tanggalin ang mga checkpoint.
Ayon kay Inton, sinabi na ng Move as One Coalition ang mga checkpoint ay mataas ang health risks at nakababawas ng galaw ng transportasyon.
Malaki aniya ang pagkakaiba ng police visibility na nariyan sila at nakikita at ready to respond in case of emergency kaysa sa checkpoints.
Paliwanag pa ni Inton, sa checkpoints kapansin pansin din na puro mga motorcycle rider delivery ang pinahihinto kahit kitang kita namang may dalang essential food for delivery.
“Yung isang pulis, barangay tanod o sino pa man na nag-che-checkpoint, malalaman ba niya kung Covid-19 infected ang isang individual kapag hinarang niya sa checkpoint?” patatanong pa ni Inton.
“Ang nangyayari pa tama ‘yung observation ng Move As One Coalition babagal ang mobility kasi haharangin mo mag- iimbudo ngayon dadami magdidikit dikit health risks nga ang resulta,” dagdag ni Inton.
Nilinaw nito na hindi niya pinepersonal o nilalabanan ang polisiya ng IATF kundi dapat lang aniya na maging malinaw at epektibong makapipigil sa pandemya ang kanilang mga hakbangin.
Humihingi rin ng malinaw na policy sa IATF ang commuter at transport group matapos mamatay ang isang 26-anyos na lalaki matapos bugbugin ng mga tanod nang mahuli sa curfew sa Calamba, Laguna. BENEDICT ABAYGAR, JR.
849954 428159Spot on with this write-up, I really suppose this internet web site needs rather more consideration. most likely be once much more to learn much much more, thanks for that info. 230680
728941 226143Private Krankenversicherung – Nur dann, wenn Sie sich fr die Absicherung ber die Rentenversicherung entschieden haben, dann knnen Sie sich sicher sein, dass Sie im Alter so viel Geld haben, damit Sie Ihren Lebensstandard halten knnen. 654340
143845 604900I just added this webpage to my feed reader, excellent stuff. Cannot get enough! 366353
93633 834191Thanks for the auspicious writeup. It actually used to be a leisure account it. Glance complicated to much more delivered agreeable from you! Nevertheless, how can we be in contact? 634269