(Ngayong mundo na ng digitalization) KAYA MO BANG MAKIPAG-COMPETE?

PAPATIINDI ang kompetisyon ngayon sa larangan ng pagnenegosyo.

Habang kahit may hamon ang digi­talization na resulta ng pandemya, mrami na ang mga nag-iisip na pumasok sa pagnenegosyo dahil sa mga nagbabagsakang kompanya.

Sa ganitong sistema, mahalagang alam natin ang nais o mahuli natin ang kiliti ng ating mga customer upang matiyak ang tagumpay sa iyong negosyo.

Gayunman, hindi ka rin dapat pahuli sa mga pamamaraan at isa rito ang digitalization na nais na rin ng maraming customer/ client.

Pero una rito kung target mo ang direct selling na negosyo, handa ka bang makipag-compete sa mga techie na negosyante.

Ang techie ay terminolohiya na mataas ang antas ng kaalaman sa teknolohiya gamit ang internet at mga gadget.

Habang ang mga buyer ay ito rin ang mode na pinipili dahil sa mas mabilis na transaction.

Subalit para maging patok ka sa buyer, narito ang tip ng Pilipino Mirror para kaya mong sumabay sa digitalization at magkaroon ng maraming suki.

  1. Kuhanin ang klliti ni buyer o ng iyong suki.
  2. Subukan, ang kakaibang istratehiya. Hayaan mong ang iyong customer mismo ang magdala sa iyo sa kanilang direksyon. Ang mga customer mo mismo ang dapat magsabi sa iyo kung ano ang kanilang gusto at kung paano nila gustonggugulin ang kanilang pera.
  3. Check the sale records of your suki. Dito mo makikita kung ano ang gusto ng iyong mga customers kaya sa pamamagitan nito makakabuo ka ng mga istratehiya kung paano mo mapapabalik-balik ang mga mamimili.
  4. Pag-aralang maigi ang iyong benta. Itala ang mga produkto o serbisyo na kadalasang nabebenta sa iyong negosyo.
  5. Kapag nakabuo ka na ng iyong talaan, ikumpara ang mga produkto o serbisyo kung saan kumita ka nang mas higit sa mga nakalupas na buwan o taon. Sa pamamagitan nito, alam mo kung ano ang iyong pagtutuunan ng pansin dahil ito ang hinahanap ng iyong customer.

      (MAY PART 2)