MAY panibagong dagdag sa singil sa koryente ngayong Oktubre.
Ito na ang ika-7 sunod na buwan na magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng power rate hike.
Ayon sa Meralco, tataas ang singil sa koryente ng P0.0283 per kilowatt-hour (kWh) upang umakyat ang overall household rate sa P9.1374/kWh mula sa P9.1091/kWh noong Setyembre.
Katumbas ito ng taas-singil na P5.66 para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh, P8.49 sa mga gumagamit ng 300 kWh, at P14.15 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.
Ang dagdag-singil ay dahil sa pagtaas ng transmission charge.
“In particular, transmission charge for residential customers increased by P0.0282/kWh to P0.7085/kWh from P0.6803/kswh due to higher ancillary service charges, which accounted for about 33% of the National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) total transmission costs,” paliwanag ng Meralco.
Bahagya namang bumaba ang generation charge ngayong buwan ng P0.0004/kWh sa P5.0435/kWh mula sa P5.0439/kWh noong Setyembre.
“Lower average capacity on outage and average demand in the Luzon grid during September supply month pulled down charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) by P1.2061/kWh,” ayon sa Meralco.
Comments are closed.