(Ngayong panahon ng pandemic) HUWAG PAHIRAPAN ANG OFWs– ACT-CIS

REP ERIC YAP-5

NANAWAGAN ang ACT-CIS partylist sa iba’t ibang tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), konsulado, at mga embahada ng Pilipinas na huwag ng pahirapan pa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pagkuha ng cash assistance at mga food packs na nasa ibang bansa ngayong panahon COVID 19.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap maraming mga reklamo ang kanilang natatanggap mula sa mga OFW, partikular sa Middle East at ilang bansa dito sa Asya, na maraming requirements ang hinihingi o pinagpapabalik-balik sila sa bago makuha ang ayuda ng pamahalaan para sa kanila.

“Makikipag-ugnayan ako kay Labor Sec. Bebot Bello para iparating agad ang problemang ito at agad niyang masolusyunan ang mga hinaing na it ong  ating mga kababaya. I am sure gagawan kaagad ito ng aksyon ni Sec. Bello”, ayon kay Cong. Yap.

Aniya, “kung hindi madaming requirments ang hinihingi, tinatarayan o tinataasan ng boses ng ilang staff ang mga OFW natin na dahil sa no work-no pay din, eh, hindi na rin nakakakain o walang perang pambili ng pagkain doon”.

Dagdag pa ni Yap, malungkot na nga ang kalagayan nila bago pa ang Covid crisis dahil sa malayo sila sa pamilya, gutom naman ngayon ang kanilang nararamdaman dahil sa wala silang trabaho at sweldo ngayon doon.

Ayon pa sa kongresista, na chairman din ng House Appropriations Committee at caretaker ng lone district ng Benguet, pinarating sa kanya ang mga hinaing ng mga ofw sa mga ACT-CIS coordinators sa Middle East at maging dito sa Asya.

Muli naman niyang pinasalamatan si Transportation Sec. Art Tugade dahil nilibre na nito ang pangkain ng mga OFW at mga seaman na naka-quarantine ngayon sa dalawang barko ng 2GO shipping lines. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.