NANAWAGAN sa gobyerno si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go na ipatupad pa rin ang health protocol para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Sinabi ni Go na dapat unahin ang buhay at kalusugan ng mga tao partikular na ngayong panahon na marami na ang political activities.
Ipinaliwanag ni Go na sayang ang mga naumpisahan at napagtagumpayan sa COVID-19 response ng bansa.
Ayon kay Go, dapat unahin pa rin ang COVID-19 response bago ang pulitika habang nanawagan siya sa mga mamamayan na huwag munang magkumpol-kumpol upang makaiwas sa posibleng pagkakahawa sa virus.
Samantala, nanawagan din si Go sa mga kandidato na unahin ang kapakanan ng mga kababayan lalo na at nasa panahon pa rin ng pandemya ang bansa. VICKY CERVALES