BABABA ang singil sa koryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, bababa ng 7.04 centavos kada kilowatt hour o nasa P8.6793 per kilowatt hour (kWh) na lamang ang singil sa koryente ngayong Pebrero mula sa P8.7497/kWh noong nakaraang buwan.
Nangangahulugan ito na P14.00 ang mababawas sa singil sa koryente ng mga kumokonsumo ng 200 kWh ngayong buwan.
Ang bawas-singil sa koryente ngayong Pebrero ay dahil sa mababang generation charge, na nagkakahalaga ng P4.4152 per kWh ngayong buwan. Mas mababa ito ng P0.0422 noong Enero.
“The reduction in generation charge this month is due to lower fixed charges from the Power Supply Agreements (PSA),” sabi pa ng Meralco.
Comments are closed.