(Ngayong Semana Santa) PAGBABAKUNA ITUTULOY SA MGA SIMBAHAN

HINDI  titigil ang pagbabakuna kontra COVID-19 kahit ngayong Semana Santa.

Sa Laging Handa Public Briefing ay sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje, nagpalabas na ng direktiba ang kanilang hanay sa health workers na tuloy ang pagbabakuna sa ibat ibang bahagi ng bansa ngayong Semana Santa.

Bukas ang vaccination centers sa mga DOH hospitals at maging sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng local government units.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para gawing vaccination sites ang mga simbahan ngayong Semana Santa.

Dagdag pa ng opisyal maging ang mga lugar na malapit sa mga mosque ay lalagyan din ng vaccination sites.

Matatandaang sinabi ng Pangulong Duterte na kaya may mga ayaw magpabakuna ay dahil sa mga negatibo at paninira sa social media tungkol sa vaccine. E QUIROZ