(Ngayong tag-init) SUPLAY NG TUBIG SA METRO SAPAT

NWRB Executive Director Sevillo David Jr

MAY SAPAT na suplay ng tubig sa Metro Manila sa kabila ng mainit na panahon at nararanasang water service interruption sa ilang lugar, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na nasa 48 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila, na mas mataas sa normal na alokasyon na 46 cubic meters per second.

Nasa 10 cubic meters per second naman, aniya, ang alokasyon sa mga irigasyon, na makatutulong sa mga magsasaka ngayong tag-init.

Sa monitoring naman ng PAG-ASA, nasa 191.82 metro ang water level ng Angat Dam kahapon ng alas-6 ng umaga, mas mababa kumpara sa 195.04 metrong naitala noong Biyernes.

Ang normal high water level ng naturang dam na pinagkukuhanan ng suplay ng tubig para sa Metro Manila ay 210 metro.

Paliwanag ni David, mas mataas ang demand sa tubig ngayong tag-init kaya may oras na mahina ang suplay.

19 thoughts on “(Ngayong tag-init) SUPLAY NG TUBIG SA METRO SAPAT”

Comments are closed.