(Ngayong taon —DTI) WALA NANG PRICE HIKE SA ILANG BASIC GOODS

HINDI na aaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang anumang price hike sa ilang basic goods tulad ng ilang brands ng sardinas, instant noodles, Pinoy tasty at Pinoy pandesal ngayong taon.

Sinabi rin ng DTI na nasa final stages na ito ng konsultasyon sa plano nitong alisin ang suggested retail price o SRP scheme na ilang dekada nang ipinatutupad.

Sa ilalim ng SRP scheme, nasa 217 shelf-keeping units o SKUs ang may SRPs na itinatakda ng mga manufacturers at inaaprubahan ng pamahalaan.

Ayon kay dating DTI Usec. Ruth Castelo, ang SRP ay proteksiyon sa masa dahil pinipigilan nito ang mga manufacturer na magtaas ng presyo. Gayunman, pabor ang DTI sa pagbasura sa SRP scheme at palitan ito ng price range guide para sa mga consumer.

Ikinatuwa naman ng mga consumer ang pahayag DTI na hindi na nito aaprubahan ang price hikes para sa ilang produkto.

Subalit sinabi ng mga manufacturer ng sardinas na hindi ito makatarungan dahil dalawang taon na silang humihingi ng adjustment.