TINIYAK ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na personal niyang minomonitor at sinusubaybayan ang galawan ng presyo ng bigas, mais, at ibang produktong agrikultura at mga suplay nito sa bansa lalo na sa panahong ito na transition mula sa tagtuyot na dulot ng El Nino phenomenon sa mas magiging maulan na La Nina.
“Since umupo ako bilang kalihim ng Department of Agriculture, ako personally ang nagmomonitor ng lahat ng presyo ng bilihin sa mga palengke sa ibat-ibang lugar sa ating bansa. Personally, ako mismo naka-monitor,” ang sabi ni Tiu -Laurel.
Ito umano ay bilang pagtalima sa kautusan ni President Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr., na tutukan niya ang kasiguruhan sa pagkain ng bansa.
“The Department of Agriculture (DA) will monitor the impact of the transition on the agriculture sector to protect both farmers and consumers,” ang nakasaad sa inilabas na media statement.
Bilyon bilyon ang halagang napinsala sa buong bansa dulot ng matinding init at tagtuyot na dala ng El Nino phenomenon ng mga nakaraang buwan. Inaasahan ang transition na magmumula ngayong Mayo hanggang Hunyo.Inaasahan naman na ang pagdating ng La Nina ay magdudulot naman ng matitinding ulan na pwedeng maging dahiln sa pagbaha na makakapinsala rin sa mga taniman ng sektor ng agrikultura.
“You know as a fisherman for 38 years, I had been monitoring weather.Dati ang El Nino happens every 15 , 10, 15 years.In the last 5 years, 10 years it’s been happening every 3 to 5 years.So the cycle is getting shorter. So we are in for a roller coaster ride.If you ask me, in my own opinion.And we have to be able to act accordingly, depending on the highs and lows. The world will be facing,” sabi ni Tiu Laurel sa mga mambabatas sa nakaraang pagdinig sa kamara sa Rica Tariffication Law (RTL.)
Kamakailan lamang ay ipinag- utos ni Tiu Laurel ang pag operationalize ng Climate Resilient Agriculture Steering Committee (CRASC) na siyang magbibigay ng direction at estratehiya at tututok sa mobilization ng DA resources para sa climate change response.
Ang CRASC ay pamumunuan ng Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Asis Perez, co-chaired ng Undersecretary for Operations Roger Navarro at Undersecretary for Special Concerns and for Official Development Assistance-Foreign Aid/Grants Jerome Oliveros.
Si Tiu Laurel ay isang member ng presidential Task Force El Niño, chaired ni National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. at co-chaired ng Science and Technology Secretary Renato U. Solidum.
Nagbigay ng babala si Teodoro Jr. sa ika limang meeting ng presidential task force ng El Niño response na hahabulin ng pamahalaan ang mga hoarders at price manipulators na nambibiktima ng consumers lalo na sa pagdating ng La Niña. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia