NGCP-MINDANAO LIGTAS SA 6.3 MAGNITUDE QUAKE

lindol

NORTH COTABATO- IPINAGPASALAMAT ng mga residente sa lalawigang ito na ligtas at walang natamong pinsala mula sa 6.3 magnitude earthquake ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa bayan ng Tulunan.

Kaya naman bagaman tumama ang lindol noong Miyerkoles, Oktubre 16, ay hindi nahinto ang suplay ng koryente.

Ayon sa pamunuan ng NGCP, nananatiling buo ang power transmission backbone sa buong Mindanao

Batay pa rin sa pagsisiyasat ng NGCP walang nasirang transmission facilities at high voltage equipment sa South at North Co-=tabato at kahit sa mga karatig na lugar na inabot ng lindol.

Agad namang nagpadala ang NGCP ng line personnel para ayusin ang nasirang pasilidad sa Davao-Digos line na nagsu-supply ng koryerte sa mga kostumer ng Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO.)

Katulad ng pahayag ng Department of Energy (DOE), tiniyak ng NGCP na maaayos ang generation ng subtransmission lines at distribution lines na pagmamay-ari ng nasabing electric cooperative. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.