NGUMITI PARA MAGING SUCCESSFUL

TRENDING sa social media ang isang content na nagsasaad ng 12 success mindset.

      Ang kabilang sa mentalidad ang pagngiti (smile) sa mga taong kasama sa paghahanapbuhay o kakikilalang makakasalubong sa daan, sa supermarket, church at kung saan man, basta mayroong interactions.

Gayunman, ano ang konek ng pagngiti para sa iyong ikatatagumpay sa buhay at negosyo?

Malaki.  Dahil ang pagngiti ay isang pagbubukas ng magandang relasyon sa kapwa lalo na sa negosyo.

Kung ikaw ay salesclerk, kapag ngumiti sa shopper, mas lamang na bibili ito sa iyo dahil sa iyong positive communications.

Sa iyong business meeting, kung sisimulan ang usapan sa smile, maraming mabubuo at paborable (favorable) na pagkakasunduan.

Sa personal life naman, kung ikaw ay laging nakangiti, malayo ka sa negatibong aspeto, gaya ng pagkakasakit at hindi pagkakasundo sa mga kasama sa bahay at ka-trabaho.

Kaya mahalaga ang pangiti, kahit mayroon mang suliranin.

Kung may problema sa bahay, huwag sumimangot sa pagpasok sa paaralan, trabaho at kung saan man.

Samantala, kabilang pa sa successful mindsets ang maging mabuti o mabait.

Take note, iba ang pagiging mabait sa mahiyain o mahina at plastik na tao.

Hindi rin dapat inaabuso ang pagiging mabait.

Ang pagiging mabait ay alam ang tama, umiiwas sa mali at hindi dapat makasakit.

Kapag mabait ang isang tao at isang tao, hindi lang sarili ang tinitingnan para sa interes kundi lahat lalo na kung negosyante.

Kumbaga, hindi kita (income) lang, kundi dapat mayroon ding social responsibility.

Kaya nga ang mga kompanya ngayon ay mayroong tinatawag na Corporate Social Responsibility na ibig sabihin, mayroon din silang payback sa komunidad o pagtulong sa kapwa na walang kapalit.

Ang mga nabanggit ay dalawa lamang sa 12 success mindsets at subukan naming isa-isahin at ipaliwanag ang iba 10 iba pa.