NHA PANANAGUTIN SA PALPAK NA PABAHAY SA CALAMITY VICTIMS

PANANAGUTIN ng da­lawang senador ang National Housing Authority (NHA) at mga pribadong kontratista dahil sa pagpapatayo ng umano’y palpak na mga bahay para sa sinalanta ng mga kalamidad.

Sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate committee on housing, P64 bilyon na ang inilabas ng gobyerno para sa pagpapagawa ng mga bahay ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda, Pablo, Sendong at naapektuhan ng Zamboanga City siege.

Ayon kay Ejercito, 50% pa lang umano ng pabahay  ang okupado dahil hindi matirhan  ang iba  dahil  mababa ang kalidad nito.

Giit naman ni Senadora Loren Legarda, hindi maaaring walang managot sa pagsasayang ng pera sa mga pabahay na ginamitan ng substandard na construction materials, at walang tubig at kuryente kaya ayaw tirahan.

Inatasan ng dalawang senador ang NHA na magsumite ng report para sa lahat ng housing program ng gobyerno, kasama ang pa­ngalan ng mga kontratista at lagay ng housing prog­ram para masuri ito.   VICKY CERVALES

Comments are closed.