NI-RAPE NA OFW SA KUWAIT NAKAUWI NA

Nasser Mustafa

NAKAUWI na sa bansa ang isang Overseas Filipino Worker (OFW)  makaraang manalo sa kaso laban sa Kuwaiti policeman na gumahasa sa kanya na walong taon na ang nakalilipas.

Masaya nang kasama  ni  Marites Torijano  ang kanyang pamilya matapos manatili sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center  nang dinidinig ang kaso laban sa gumahasa sa kanya.

Kasabay nito, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Labor Office at Philippine embassy sa Kuwait  makaraang mag-tagumpay sa kaso at naiuwi na sa bansa ang nasabing OFW.

Sinabi naman ni Labor Attaché Nasser Mustafa  na kasama si Torijano sa 76 pang OFWs na umuwi sa bansa.

Si Torijano ay nagtrabaho sa Kuwait sa pa­mamagitan ng  Zontar Manpower Services Inc.  bilang domestic worker  noon Setyembre, 2006 ngunit kalaunan ay nagtrabaho sa dress shop sa Farwaniya.

Habang inaayos ng employer ni Torijano ang renewal residence visa nito ay hinuli siya ng Kuwaiti policeman noong Setyembre, 2012 ngunit sa halip na sa police station dalhin ay dinala siya sa isang madilim na  lugar sa South Surra na kung saan ginahasa sa loob mismo ng police patrol car at sinaksak pa  sa leeg at likod.

Masuwerteng hindi namatay si Torijano, nagpagapang-gapang siya hanggang sa may makakita at at dinala siya sa pagamutan.

Makaraan ang dalawang taong court trial, ang policeman ay hinatulan ng kamatayan noong Hun­yo 2014 ng Court of First Instance subalit umapela ang legal counsel ng akusado kaya napababa ang sintensiya sa habambuhay na pagkabilanggo

Samantala, nakatanggap din si Torijano ng P3 milyong civil damages sa pamamagiatn ng kinatawan ng  Philippine Embassy at Kuwaiti human rights lawyer Sheika Fawzia Salem Al-Sabah. LIZA SORIANO

Comments are closed.