CAMP CAME – KINUMPIRMA ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac na limang magulang ang tumungo sa headquarters ng Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.
Ayon sa mga magulang na nagreklamo sa ginawang hearing sa Senado, ni-recruit umano ng mga leftist group katulad ng Anakbayan ang kanilang mga anak.
Aniya, inihahanda pa ng CIDG sa ngayon kung ano ang isasampang kaso laban sa mga leftist group na inirereklamo ng mga magulang.
Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon ng PNP CIDG kaugnay rito.
Isa sa mga magulang na nagreklamo sa hearing sa Senado ay si Relissa Lucena na sinasabing ang kanyang anak ay ni-recruit ng Anakbayan na nag-aaral sa Far Eastern University (FEU). REA SARMIENTO
Comments are closed.