INAASAHANG lalo pang bababa ang nickel production sa bansa ngayong taon sa gitna ng direktiba ng pamahalaan na naglilimita sa mga lugar na pagmiminahan.
Ayon kay Philippine Nickel Industry Association (PNIA) president Dante Bravo, bababa pa ang produksiyon ngayong taon dahil ang mga minero ay may limitadong lugar para sa kanilang operasyon.
“For this year, it should be around [lower by] 10-20 percent,” wika ni Bravo sa sidelines ng Nickel Initiative conference kahapon sa Taguig City.
Aniya, ang nickel industry ay nakapagprodyus ng 30 million wet metric tons noong 2018.
Noong nakaraang taon ay nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kautusan na naglilimita sa mineral pro-duction areas depende sa production volume ng minahan.
Ang administrative order ay naglilimita sa mga lugar na pagmiminahan ng nickel miners sa 50 ektarya lamang kapag ang kanilang production vol-ume ay umabot sa one million metric tons.
“Miners can mine up to 100 hectares if their output is more than nine million metric tons,” nakasaad pa sa kautusan.
Comments are closed.