SI CRIS Nievarez na lamang ang natitirang Filipino rower na nasa kontensiyon para sa isang puwesto sa Tokyo Olympics sa idinadaos na 2021 World Rowing Asian and Oceanian Olympic Qualification Regatta sa Tokyo, Japan.
Ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist ay nagtala ng kabuuang oras na 8 minutes at 11.40 seconds upang pagharian ang men’s single sculls repechage kontra mga kalahok mula sa Qatar, Kuwait, Thailand, at Saudi Arabia. Bilang best rower sa repechage, nakuha ni Nievarez ang isang puwesto sa semifinals na lalaruin ngayong umaga.
Si Nievarez ay naglaro sa repechage makaraang pumang-apat sa men’s single sculls heat rounds kahapon ng umaga, kapos ng isang puwesto para sa awtomatikong umabante sa semifinals. Nanguna sa karera si Uzbekistan’s Mekhrojbek Mamatkulov, kasunod sina Chi Fung Chan ng Hong Kong at Mohammed Al-Khafaji ng Iraq.
Ibinahagi ni national team head coach Ed Maerina ang naranasan ni Nievarez na paninigas ng muscles bago ang morning match, na nakaapekto sa kanyang performance, dahil sa malakas na hangin at malamig na panahon sa Sea Forest Waterway sa Tokyo Bay.
“It’s good that the weather became warmer in the afternoon during the repechage. He also wore his long sleeves to keep him warm while on the water,” wika ni Maerina sa CNN Philippines.
Kailangan ni Nievarez na magtapos sa top 3 ng kanyang semifinal bracket para umusad sa tournament finals, kung saan limang rowers ang magkukuwalipika sa Tokyo Olympics.
Samantala, natapos na ang Olympic dream ng dalawang Filipino rowing pairs makaraang masibak sa repechage.
Nagkasya ang duo nina Roque Abala Jr. at Zuriel Sumintac sa fourth place finish sa men’s doubles sculls event makaraang tumapos na may oras na 7 minutes at 39.35 seconds. Umabante sa semifinals ang pares mula sa Uzbekistan (7:10.81) at Kazakhstan (7:16.53) matapos na tanghaling best duos sa kanilang repechage.
Tumapos din sina Abala at Sumintac sa ika-4 na puwesto sa heat round, na nadominahan ng pares mula sa Japan at India.
Nabigo rin ang tambalan nina Melcah Caballero at Joanie Delgaco na makakuha ng Olympic ticket matapos na pumangatlo sa women’s doubles sculls, na may oras na 8 minutes at 14.30 seconds. Ang Vietnam, na tinalo ng Filipino pair para sa gold sa 2019 SEA Games, ang nanguna sa karera sa bilis na 7 minutes at 59.96 seconds habang pumangalawa ang South Korean rowers na may 8:08.03 mark.
893652 378612I discovered your weblog post internet web site on the search engines and appearance several of your early posts. Always maintain the top notch operate. I additional the Feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading considerably a lot more on your part down the line! 945498
112662 398629Some truly good stuff on this web site, I really like it. 527778
165687 187335I always was interested in this subject and still am, thankyou for posting . 72323