NIKKI VALDEZ SA ROLE NA MISS BUTTERCREAM

ISIPIN natin kung ilang pelikula at teleserye na ang nilabasan ni Nikki Valdez, at kung ilang roles na ang kanyang ginampanan. Pero sa pagkakataong ito, iba ang papel na kanyang gagampanan – ang pagiging Miss Buttercream.  Yes, isa na siyang matagumpay na negosyante sa kanyang cake business saglit itong nahinto.

Muli, binuksan niya ang kanyang negosyo kung saan siya mismo ang gumagawa at nagde-design ng mga cake. Hindi raw naman siya nahirapan dahil intact ang contact niya sa kanyang mga customers.

Medyo nahirapan din naman siya dahil sa mga restrictions ng pandemya. Minsan daw, may order na pero makakansela dahil bawal ang party. Sa totoo lang, mas nag-aalala raw siya sa kanyang  customer lalo na wedding cake ang order. Kasi ang cake, isa hanggang dalawang araw lang ang preparasyon, pero ang kasal, matagal pinaplano.

Sa kabutihang palad, napapagsabay naman niya ang kanyang career, ang kanyang negosyo at ang pag-aalaga sa kanyang pamilya. Sila umano ang nagsu-supply ng pagkain sa medical and health care staff ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, at Quirino Memorial Medical Center. Kasama sa mga lunch box ang Miss Buttercream Polvoron, na si Nikki mismo ang gumawa.

Muling nagbukas ang Miss Buttercup sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon. Kataka-takang dumami raw ang orders, ayon kay Nikki.

“Siguro, dahil halos lahat ng café at bakeshop ay sarado kaya naisip nila to order from me kasi online naman ang Miss Buttercream,” ani Nikki.

Ikinatuwa ito ni Nikki at syempre, inuuna niya palagi ang mga custo­mers sa gitna ng ECQ. Madalas, si Nikki pa mismo ang nagde-deliver ng cake sa mga kliyente, lalo na noong mga panahong konti lang ang mga couriers na tumatanggap ng delivery dahil sa mga checkpoints sa buong Luzon.

Sa ngayon, sobrang tuwa ng actress-baker na maayos ang takbo ng kanyang negosyo. Kung yung iba, nagsara dahil sa pandemya, ang Miss Buttercup, dumami pa ang kliyente. Sakali umanong muling ipasara ang mga coffeeshops, hindi siya matatakot dahil pwede niya itong ituloy sa bahay.

Pwedeng makipagsabayan ang Miss Buttercup sa mga sikat na cakeshops dahil ang pres­yo nito ay halos katulad din ng presyo nila. Mayroon din silang cupcakes, brownies, cookies, at polvoron.

Pero tumatanggap lamang si Nikki ng orders na home delivery. Wala raw munang bazaars and other big gatherings like weddings, anniversaries, debuts, etc., since hindi puwede ang mass gatherings.