‘NILAD FESTIVAL 2022 FLOAT PARADE’ SA ARAW NG MAYNILA

INAANYAYAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na manood ng “NILAD FESTIVAL 2022 FLOAT PARADE” sa darating na Hunyo 24.

Ang nasabing event ay nagtatampok ng iba’t-ibang floats na inihanda ng mga city employes ng iba’t-ibang departamento sa Manila City Hall.

Sinabi ni Moreno na ang float parade ay isa sa mga highlights ng selebrasyon ng ika-450 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.

“Ang parada ng mga naggagandahang float mula sa iba’t -ibang departamento at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay bilang isa sa mga pangunahing tampok sa selebrasyon ng ‘Araw Ng Maynila’ ngayong darating na Hunyo 24,” ani Moreno.

Ang festival, ayon pa sa alkalde ay inorganisa ng Tourism Bureau ng lungsod ng Maynila.

“Bagaman ang Nilad ay kakaunti na lamang sa kasalukuyan, patuloy itong nanatili sa tatak ng ating dakilang lungsod,” sabi pa ni Moreno.

“Sama-sama ta­yong makisayaw, maki­sigaw at ipagmalaki ang angking husay at talento nating mga Manileño sa gaganapin na Nilad Festival 2022 ngayong darating na Hunyo 24, 2022,” dagdag pa nito.

Ayon kay Moreno, nakuha ng Maynila ang pangalan nito dahil sa dahon ng Nilad na saganang matatagpuan sa mga katubigan sa lugar. Gaya nga ng karaniwang sinasabi ng mga tagarito ay “may nila.” VERLIN RUIZ