NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang pag-postpone sa Ba- rangay at Sangguniang Kabataan elections.
Nakatakda sana sa Mayo 2020 ang halalang pambarangay at SK, ngunit ito ay inilipat na sa Disyembre 5, 2022.
Ang paglalagda sa Republic Act 11462 ay isinagawa sa seremonyang idinaos sa Malacañang.
Mismong ang Pangulo ang humiling sa Kongreso na iurong ang halalang pambarangay sa 2020 sa kanyang ikaapat na SONA noong Hulyo.
Dahil sa bagong batas, dalawang halalan ang idaraos sa 2022-ang presidential election sa Mayo at barangay at SK elections naman sa Disyembre.
Mananatili pa ng tatlong taon ang mga nakaupong barangay at SK officials.
Makaraan ang 2022, ang halalang pambarangay ay idaraos na kada tatlong taon.
Comments are closed.