TOKYO, Japan- Sa kanyang ikatlong araw rito ay sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda ng 35 Letters of Intent (LOI) na may kinalaman sa pamumuhunan at kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng mga nangungunang Japanese firm.
Sa isang talumpati sa Tokyo, pinasalamatan ng Pangulo ang mga kompanya at kasosyo ng Hapon sa “pagtuturing sa Pilipinas bilang isang lugar at bilang isang partner upang mapalago ang kanilang mga negosyo.”
“The government of the Philippines has been working to deepen the confidence in the Philippines of foreign investors and companies,,” sabi ng Pangulo.
Ayon sa Punong Ehekutibo, isinusulong ng Pilipinas ang “vital at game-changing reforms” upang mapabuti ang kapaligiran ng negosyo sa bansa.
” And it is our hope that companies such as yours will not only find the Philippines to be an attractive investment destination, we are designing our efforts to encourage you to stay and find our country to be a place where your businesses will thrive,,” pagdidiin ng Pangulong Marcos.
Ang LOI ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan pati na rin ang iba’t ibang kompanya ng negosyo mula sa parehong bansa, na sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga partnership na naglalayong palalimin ang kumpiyansa ng dayuhang mamumuhunan.
Kabilang dito ang manufacturing, infrastructure development, enerhiya, transportasyon, healthcare, renewable energy at business expansion bukod sa iba pang mga sektor.
Ang paglagda ay isang araw pagkatapos ng unang bilateral na pagpupulong nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister’s Office dito.
Kabilang din sa mga business agreement na nilagdaan ay ang wiring harness manufacturing expansion project sa Asti Corporation; printing manufacturing expansion project sa Brother Industries, Ltd.; hotel expansion project kasama ang DoubleDragon Corporation/IwataChizaki Inc.; at factory expansion project sa Japan Tobacco Inc.
Kasama rin sa listahan ang isang bagong factory para sa autoparts sa Kurabe Industrial Co; energy, transporation, healthcare at afforestation projects sa Marubeni Corporation; automobile manufacturing expansion project at isang commitment renewal upang matugunan ang mga target ng produksyon sa Mitsubishi Motors Corporation.
Kabilang naman sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sina dating Presidente Gloria Macapagal – Arroyo, Senate President Juan Miguel F. Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto F. Lagdameo, Trade Secretary Alfredo E. Pascual, at Finance Secretary Benjamin Diokno.
EVELYN QUIROZ