(Nilapa pa ng aso) 9-BUWANG SANGGOL ITINAPON SA BASURAHAN

Sanggol

ZAMBOANGA CITY – PINAGHAHANAP na ng awtoridad ang ina na nagtapon ng sariling anak na siyam na buwang gulang sa basurahan sa lungsod na ito.

Dahil ilang araw nang nakatambak ang sanggol ay kinain na umano ng aso ang bangkay dahil wala na ang braso ng biktima.

Ayon sa Zamboanga City Police Station, inisa-isa na nila ang mga kalapit barangay para matunton ang nagtapon ng nasabing sanggol.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Zamboanga City-PNP,  kasama ang karton sa mga ba­surang itinapon ng isang garbage truck noong Biyernes.

Sa impormasyong ibinigay ni Chairman  Carmelito Bejerano ng Barangay Lumbangan, hindi nagmula sa kanyang nasasakupan ang itinapong karton na kinalalagyan ng sanggol na babae. VERLIN RUIZ

Comments are closed.