(Nilayasan ng mag-iina) LALAKI NAGBIGTI

bigti

VALENZUELA CITY – NAGPASYANG wakasan nang isang 42-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos iwan ng live-in partner nito kasama ang kanilang dalawang anak dahil sa kanilang madalas umanong pag-aaway sa Valenzuela City.

Ang walang buhay na katawan ni Elcid Pas, cons­truction worker, ay natagpuan ng kanyang uncle na si Rosendo Juliano, 67, na nakabigti sa likod ng kanilang bahay sa 630 T. Santiago St., Brgy. Lingunan, gamit ang nylon cord na nakapulupot sa kanyang leeg habang ang dulo ay nakatali naman sa bakal na tangke ng tubig.

Lumabas sa imbestigasyon, dakong alas-7:50 ng umaga nang magtungo si Juliano sa bahay ng kanyang pamangkin upang bigyan ito ng pagkain, subalit walang tumutugon sa kanyang mga katok sa pinto.

Nagpasyang pumunta sa likod ng bahay si Juliano at laking gulat na lamang nito nang makita ang pamangkin na nakabigti sa tangke ng tubig.

Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay dumaranas ng depresyon matapos layasan ng kanyang live-in partner noong nakaraang linggo kasama ang kanilang dalawang anak dahil sa madalas nilang pag-aaway.                            EVELYN GARCIA

One thought on “(Nilayasan ng mag-iina) LALAKI NAGBIGTI”

Comments are closed.