(Nilikha ng PNR Malolos-Clark segment) LIBO-LIBONG TRABAHO

LUMIKHA ng libo-libong trabaho ang konstruksiyon ng Clark Phase 2 project ng Philippine National Railways (PNR) o ang Malolos, Bulacan to Clark, Pampanga line, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa isang statement, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang proyekto ay lilikha ng direct at indirect employment opportunities para sa locals, overseas Filipino workers (OFWs), at transport sector workers na apektado ng COVID-19 pandemic, kung saan may 7,000 trabaho ang binuksan sa pagpapatuloy ng konstruksiyon.

“I have been stressing this and I want to make sure that under the Build, Build, Build program, we shall prioritize the employment of former OFWs and transport workers to guarantee the inclusivity of this project,” ani Tugade.

Ang PNR Clark Phase 2 ay bahagi ng  massive 147-kilometer North-South Commuter Railway (NSCR) project — na magka-karoon ng 35 stations, at mag-ooperate ng 464 train cars, na may 58 eight-car train sets configuration.

Ang NSCR line ay mula Laguna hanggang Clark sa Pampanga.

Ang 54-kilometer PNR Clark Phase 2 o Malolos-Clark line ay tatampukan ng unang airport railway express service ng bansa.

Ayon sa DOTr, bukod sa 7,000 direct jobs na nagbukas sa construction phase ng PNR Clark Phase 2, may 3,000 job opportunities ang malilikha sa sandaling maging operational na ang proyekto.

Bukod dito, sinabi ng ahensiya na para sa buong NSCR line, mahigit sa 25,000 direct job opportunities ang magbubukas habang ginagawa ang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *