WALA nang extension sa pamamahagi ng educational assistance sa mahihirap na estudyante sa bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay kasunod ng anunsiyo ng DSWD na sarado na ang kanilang online application para sa mga gustong makakuha ng ayuda, matapos umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga aplikante.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, nakausap na nila ng liderato ng Kongreso kung saan tinalakay kung paano maipagpapatuloy ang pamamahagi ng educational assistance.
Tiniyak naman ni Tulfo na gumagawa sila ng paraan para matulungan din ang mga estudyante gaya ng mga nasa isolated areas at ‘yung mga walang kakayahang mag-online.
Samantala, dahil sa kakulangan ng pondo, kinokonsiderang gamitin ang pondo ng mga kongresista para mabigyan ang natitira pang mga pamilya na hindi nakatanggap ng educational assistance. DWIZ 882