MAY karapatan ang mga driver at operator na sumali o hindi sa nationwide transport strike na ikakasa sa susunod na linggo, paglilinaw ng transport group Piston.
“Voluntary ang ating mga driver at mga operator na sila ‘yung magtatakda kung lalahok sila o hindi. Kung hindi sila lalahok, walang problema ‘yun,” pahayag ni Piston national president Mody Floranda sa CNN Philippines New Day nitong Biyernes.
“Ang sa atin lang ay para maipakita ang aming kasalukuyan na kalagayan sa public transpo [dahil] ang usapin dito ay kabuhayan at karapatan natin bilang nasa serbisyo sa ating mga mamamayan,” dagdag ni Floranda.
Naunang sinabi ng ilang transport groups na hindi sila sasali sa tigil-pasada, kabilang ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), na idinahilan cited concerns of losing their franchise and risking drivers’ safety.
“Sinasabi naman nila [ACTO members] sa akin na hindi sila sasama, iniisip nila baka mamaya batuhin daw sila kaya nananawagan ako wala pong pilitan,” sabi ni ACTO President Liberty de Luna sa CNN Philippines’ The Source.