HINDI magbabawas ng mga kawani sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ito ang nilinaw ni Senate President Francis Escudero sa Rightsizing Bill.
Sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 890, binigyan diiin ni Escudero na ang layon ng panukalang-batas ay maiangat ang kalidad ng ibinibigay na serbisyo ng mga ahensiya.
Layon din ng batas na maitalaga ang nararapat na tao sa angkop na posisyon para sa pangangailangan ng taumbayan.
Hindi sasakupin ng isinusulong na batas ang Armed Forces of the Philippines, ang iba pang uniformed personnel, maging ang mga kawani sa sektor ng edukasyon, Kongreso, Korte Suprema, Constitutional commissions at mga lokal na pamahalaan.