NORTH COTABATO-–NAGPASAKLOLO sa pamahalaan ang mga biktima ng magkakasunod na lindol.
Sa pagtama ng apat na magkakasunod at malalakas na lindol sa lalawigan nitong nagdaang linggo, ay napinsala ang ilang pipes ng Metro Kidapawan Water District at natabunan naman ng gumuhong lupa ang mga dam sa lugar pati na rin ang ilog ng Saguing na kapwa nagsisilbing water sources ng ilang lugar sa lalawigan na naapektuhan ng kalamidad.
Dahilan para magkaroon din ng kakulangan sa suplay ng tubig sa lugar.
Tiniyak naman ng local government units na nagpapadala ng mga water truck sa mga lugar na walang tubig habang isinasaayos pa ang nasirang pipes at dam.
Nagsimula na rin na makipagtulungan sa kanila ang mga karatig lugar sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tubig sa apektadong lugar.
Ayon kay Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, inaasahan nila ang tulong ng kanilang mga kalapit probinsya na maka-pagpadala ng mga rasyon ng tubig gamit ang mga 10-wheeler trucks.
Bukod sa kakulangan sa suplay ng tubig ay napinsala rin ang mga tirahan ng mga tao sa lugar kung kaya’t sa mga tent na lamang sila nananahan sa ngayon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.