NINAKAW NA PAINTING NG NAZI TROOPS ISASAULI NA

Vase of Flowers

ISASAULI  na ng German government  ang  ninakaw na oil painting ng tropang Nazi noong 1943 sa Italy.

Ang obrang “Vase of Flowers”  ni Dutch artist na si Jan Van Huysum ay ninakaw ng mga Nazi sa kasagsagan ng World War II sa Florence, Italy.

Tinatayang nagkakahalaga ito ng milyon-milyong Euros.

Umapela ang Uffizi Gallery director na si Eike Schmidt sa Italy  na ibalik sa kanila ang nasabing obra maestra.

Ayon kay  Foreign Minister Heiko Maas, magtutungo ito sa Florence, kasama ang Italian counterpart na si Enzo Moavero upang ibigay muli ang painting sa Uffizi Gallery.

Ang oil painting na Vase of Flowers ay bahagi ng Pitti Palace Collection sa Florence mula 1824 hanggang sa sumiklab ang digmaan  at nakawin ito ng  mga sundalong Aleman.

3 thoughts on “NINAKAW NA PAINTING NG NAZI TROOPS ISASAULI NA”

  1. 736644 323340My wife style of bogus body art were being quite unsafe. Mother worked with gun initial, right after which they your lover snuck totally free upon an tattoo ink ink. I was positive the fact just about every ought to not be epidermal, due towards the tattoo ink could be attracted from the entire body. make an own temporary tattoo 690608

Comments are closed.