Kilala ang mga Filipino sa hospitality, generosity, at kakaibang kulturang magaganda ngunit may cultural trait din tayong toxic. Isa na dito ang “Ningas Cogon“.
Isa itong common value na meron ang mga Filipino. Pero ano ang ibig sabihin nito? At saan ito nanggaling? Paano ba ito napunta sa ating kultura, at bakit?
Hayaan ninyong i-dissect ko kung ano ang ibig sabihin nito: ang ibig sabihin ng ningas ay “in flame” o nag-aapoy, na pwede ring “spark” na pwedeng pagsimulan ng apoy, bagay na nag-aalab. Maraming paraan para ma-interpret ito, ngunit, basically, iyon ang kahulugan nito.
Para mas maunawaan, padaliin atin ito. Ang salitang ‘kugon’ – mataas na klase ng damo na ginagawang bubong sa mga bahay-kubo, mga maliliit na bahay na karaniwang matatagpuan sa kabukiran. Ito yung klaseng kapag nalagyan ng upos ng sigarilyo ay pihadong mag-aapoy agad. Etymologically, ang direktang kahulugan ng ningas-kugon ay “flaming cogon grass” o nag-aapoy na kugon.
Pero ano ba iyong tinatawag na ningas-cogon mentality?
Sa pagkaintindi namin, kapag sinabing ningas-kugon, iyon ay kawalan ng pagpupunyagi o pagtitiyaga. Ibig ding sabihin nito ay ang tendency ng taong magsimula ng bagong venture o task na para bang excited na excited siya, pero pagkaraan ng ilang panahon ay bigla na lang tatamarin at mawawalan na ng interes upang ipagpatuloy ito, at iiwang hindi tapos ang trabaho. Tulad ng wildfire na biglang mag-aapoy at bigla ring mawawala.
Kabaligtaran naman ito ng 20:80 rule, kung saan ang certain targets ay magagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng 20 percent ng effort upang makuha ang 80 percent ng expected outputs.
Sa maraming bahagi ng Pilipinas, maraming wildfire ang nagaganap sa kbukiran o kagubatan na may damong kugon.
Gayunman, ang nasabing mga wildfire ay hindi nakakaabot sa disaster level dahil kahit madaling mag-apoy ang Cogon grass, madali din itong humupa.
Bilang isang Filipino cultural trait, tumutukoy ito sa Filipino cultural trait ng kasipagan sa pagsisimula ng mga bagay-bagay ngunit madaling mawalan ng interes pagkatapos. Kaya kung susubukan ninyong sindihan ang ‘cogon’ makikita ninyong mabilis itong mag-aapoy at pagkatapos, poof… wala na. Sa metaphor ng “ningas cogon” parang may mga pangako, o desisyong nagsimulang may mataas na enthusiasm ngunit agad nahinto o naiwang hindi tapos. Halimbawa na lang ay ang inyong new year’s resolution. Hanggang kailan ninyo ito masusunod?
Oo nga, kitang kita ang ningas cogon mentality kahit saan. Hindi naman ito masasabing masyadong masamang ugali. Tumingin kayo sa paligid. Kahit sa mga clubs, organisasyon, at asosasyon – iskwelahan, civic, religious, business, professional, social, cooperative. At nakaaapekto ito sa organisasyon kung kalian ito nasa pinakamahinang panahon – kung bago pa lamang at nakakaranas ng hirap sa pagsisimula. Sa maraming kaso, nakasisira ito sa maraming proyekto, lalo na kung malaki ang mga ekspektasyon.
Sa maniwala kayo o hindi, kung pagpaplano ng mga aktibidades at programa, dapat ay mas pragmatic ang gobyerno at mga business executives. Inililista nila ang mahigit na limang goals o objectives, na may detalyadong aksyon at ibinibigay ito para trabahuhin ng isang tao o grupo.
Kung kulang man ang mga grupo sa karanasan sa pag-oorganisa, pwede itong punuan ng enthusiasm at sinseridad. Ngunit walang sinuman ang makakapagpatakbo ng magandang programa kung ang meron ka ay enthusiasm at sincerity lamang. JAYZL VILLAFANIA NEBRE