NINJA COP NASAKOTE NG KABARO

shabu

DAVAO CITY –HINDI pa rin nauubos ang ninja cop o mga pulis na sangkot sa pagbebenta ng droga.

Ito ay nang maaresto ang isang pulis  ng kanyang kabaro na nagpanggap bilang buyer.

Kinilala ang suspek na si Senior Master Sergeant Sheila Latugo Bande, 43-anyos, nakatira sa Victoria Valley, Tigatto, lungsod ng Davao at kasalukuyang nakadestino sa Philippine Bomb Data Center (PBDC).

Batay sa ulat, naaresto si Bande sa isinagawang Oplan Big Bertha (Anti-Illegal Drug Operation)- Follow up Operation alas-10 ng umaga sa naturang lugar.

Nakumpiska sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang P1,000 bill na nagsilbing buy bust money, at isang black case.

Halos dalawang gramo ang bigat ng shabu na nakumpiska mula sa suspect na may tinatayang street value na P20,000. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM