WALA nang ninja cops, mga police scalawags na lamang.
Ito ang pahayag ng Malakanyang matapos ang pakikipagpulong nina PNP chief Director General Oscar Albayalde at PDEA director Aaron Aquino kay Pangulong Rodorigo Duterte noong Miyerkoles ng gabi.
Mariing pinabulaanan ni Albayalde na protektor siya ng mga ninja cops makaraang madawit ang kanyang pangalan sa mga umano’y protektor ng grupo.
“He (Albayalde) told me that he updated the President on the status of the drug war; he told him about the so-called ninja cops syndicate and revealed to the President that that ninja cops syndicate is a thing of the past – that happened during the previous years of the previous administration,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo base sa report ni Albayalde sa Pangulo, matagal nang nadurog ang ninja cops noon pang panahon ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald dela Rosa subalit talamak naman ang police scalawags sa hanay ng pambansang pulisya.
“What we have are police scalawags. He told the President that he has precisely undertaken measures and operations, and those operations yielded 124 policemen killed during entrapment operations and so many policemen arrested,” sabi pa ni Panelo.
Personal na nag-report si Albayalde kay Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng ninja cops na muling lumutang habang isinasagawa ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Pahayag ni Panelo na batay sa depinisyon ni Albayalde, ang ninja cops ay mga pulis na miyembro ng oraganisadong sindikato na sangkot sa illegal na droga samantalang ang mga police scalawags ay indibiduwal na pulis na hindi miyembro ng sindikato subalit nasa linya ng pagbenta o nag-bibigay proteksiyon sa bentahan ng ilegal na droga.
Ang impormasyong sinasabi ni Albayalde ay taliwas naman sa impormasyong ibinigay nina dating PNP CIDG Director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Director General Aquino sa executive session sa Senado na pinangalanan pa ang mga tinaguriang ninja cops.
Nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Albayalde hanggang wala pa namang sinasabi ang Pangulo.
Tiniyak naman ni Panelo na sakaling makatanggap ng impormasyon ang Pangulong Duterte kaugnay sa ninja cops o police scalawags, agad naman itong isasailalim sa verification at bibigyan ng kaukulang aksiyon.
“Kahit sinong kasama, kapag involved, tatanggalin ni Presidente iyon. Hindi lang tatanggalin, may criminal prosecution. Walang sinasanto ang administrasyon ni Presidente. No sacred cow, paulit-ulit nang sinabi ni Presidente iyon,” giit pa ni Panelo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.