“ I can be evil like you, and more than, if I want to be”.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng babala sa mga tinaguriang “ninja cops” na tigilan na ang kanilang masamang gawain na sumisira sa ating lipunan.
“Huwag mo akong bigyan ng mga ninja cops na yung mga— mga gangster kayo. You know kayong mga ninja, kayong mga holdaper, kayong mga drug pusher, akala ni’yo kayo lang ang matigas because you think you have the monopoly of evil in this country,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga negosyante noong Miyerkoles ng gabi.
Mababakas sa mukha ng Pangulong Duterte ang matinding galit sa mga police scalawag lalo sa ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng kanilang mga nakukumpiskang droga.
“It’s a very stupid paradigm because I can be evil like you, and more than, if I want to be,” giit ng Pangulo.
“I still I still have two years, I can create hell for everybody. Very easy, you just [have to] be a bad boy. Mag walang hiya ka lang. Yariin mo lahat,” pagtiyak pa ni Pangulong Duterte.
Nauna rito ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulong Duterte sa ginanap na command conference sa Malakanyang na dinaluhan ng mga opisyal ng PNP at AFP dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng mga ninja cops at maging ang pangalan ni noo’y PNP chief Oscar Albayalde ay nasangkot sa nabanggit na isyu.
Napilitang bumaba ng puwesto si Albayalde makaraang isangkot sa mga ninja cops sa naganap na 2013 drug operations sa Pampanga kung saan si Albayalde ang nakaupong provincial director dito.
Ang mga ninja cops ay yaong mga miyembro ng PNP na sangkot sa illegal drug trade at maging sa recycling ng kanilang mga nakumpiskang droga.
Samantala, inatasan na rin ni Pangulong Duterte si Lt. Col. Jovie Espenido na ‘ubusin’ ang mga police scalawag maging ang ninja cops sa Bacolod City.
Magugunitang si Espenido ang noo’y chief of police ng Albuera, Leyte nang mapatay si Mayor Rolando Espinosa Sr. tatlong taon na ang nakalilipas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.