“MANAGOT ang mga dapat managot.” Ito ang paninindigan ni Senador Christopher Bong Go kaugnay sa isyu ng ninja cops.
Aniya, walang sisinuhin sa imbestigasyon na isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government at Department of Justice mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa PNP chief kung mayroong matibay na ebidensiya.
Kaugnay nito, ay kinumpirma ni Go na inaasahang ilalabas ng DILG ang resulta ng imbestigasyon ngayong buwan.
Iginiit ni Go na dapat nang tapusin ang imbestigasyon sa mga ninja cop dahil apektado na ang morale ng ilang mga matitinong pulis.
Nanindigan din ang senador na dapat ituloy ng PNP ang nasimulang reporma sa kanilang hanay upang hindi na mahawa ang mga matitinong pulis mula sa mga bulok na sumisira sa imahe ng pambansang pulisya.
Tiniyak naman nito na full support ang Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP dahil ito ang katuwang ng Pangulo sa pagpapatupad ng kampanya kontra illegal drugs ng administrasyon. VICKY CERVALES
Comments are closed.